User Bar First

This is a debugging block

User Bar Second

This is a debugging block

Branding

This is a debugging block

Menu

This is a debugging block

Header First

This is a debugging block

Header Second

This is a debugging block

May 7, 2016 by bm_admin

Ano ang maaasahan sa Bayan Muna kung mananalo ulit sa eleksyon?

 

 

Itutuloy po namin ang aming tapat at malinis na paglilingkod bilang boses ng mga mahihirap at api sa Kongreso.

 

Unang tututukan ng Bayan Muna ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng ating mga manggagawa at empleyado.

 Magagawa po ito sa panamagitan ng isang legislated wage increase, pagbawas ng income tax ng mga karaniwang empleyado, pagtaas ng pensyon, at pagtigil sa kontraktwalisasyon.

 

Pangalawang tututukan ng Bayan Muna ay ang pag-angat ng kabuhayan ng ating mga magsasaka. Isusulong natin ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nais magbungkal nito, ang libreng irigasyon at subsidyo sa mga binhi, fertilizer at iba pang farm inputs. Ipapatigil ng Bayan Muna ang smuggling at malawakang importasyon ng mga produktong agrikultural.

 

Pangatlo, may mga panukala po ang Bayan Muna para ibaba ang presyo ng mga bilihin, kabilang dito ang pag-alis o pagbawas ng VAT sa kuryente, tubig at langis; pag-repeal ng EPIRA at iba pang batas sa pagsasapribado ng mga basic utilities natin.

 

Pang-apat, pananagutin po ng Bayan Muna ang lahat ng mga nagnakaw at nang-abuso sa gobyerno. Kakasuhan natin silang lahat simula kay Pangulong Aquino sa isyu ng DAP at Mamasapano. Isusulong natin ang batas sa FOI, anti-dynasty at proteksyon sa mga whistleblowers.

Postscript First

This is a debugging block

Postscript Second

This is a debugging block

Postscript Third

This is a debugging block

Postscript Fourth

This is a debugging block