Parallel Manual Count valid fall back
Mahigpit na inirerekomenda ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang alternatibong solusyon sa problemang maaaring ipakita ng PCOS machines sa araw ng eleksyon.
“Dapat seryosohin ng COMELEC ang rekomendasyon ng ating election watchdogs na magkondukta ng parallel manual count hindi lamang para kontrahin ang problemang maaaring idulot ng PCOS kundi para magsilbing pang-counter-check sa resulta ng pagbilang ng PCOS sa precinct level. Sa ganitong paraan, mapepreserba natin ang kredibilidad ng resulta ng eleksyon,” aniya.
Sinabi niya na maaari itong mangailangan ng karagdagang gastos. “Pero makakaiwas naman tayo sa sakit ng ulo, lalo na ang COMELEC, kung nakahanda tayo sa mga hindi inaasahang pangyayari,” sabi ni Rep. Colmenares.
“Ang iminumungkahing parallel manual count ay valid fall back o epektibong pangsalo sa sitwasyon sa kaso na magluko ang PCOS machines saanmaan sa bansa. Maaaring nitong masugpo ang anumang pangamba at patutunayan din ang resulta ng May 13 elections,” wika ni Rep. Colmenares.

